14 Sapagkat ang kasalanan ay hindi dapat mamanginoon sa inyo, yamang wala kayo sa ilalim ng kautusan+ kundi nasa ilalim ng di-sana-nararapat na kabaitan.+
15 Sapagkat hindi kayo muling tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin na sanhi ng pagkatakot,+ kundi tumanggap kayo ng espiritu+ ng pag-aampon+ bilang mga anak, na sa pamamagitan ng espiritung iyon ay sumisigaw tayo: “Abba,+ Ama!”
5Ukol sa gayong kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo.+ Kung gayon ay tumayo kayong matatag,+ at huwag na kayong magpasakop pang muli sa pamatok ng pagkaalipin.+
13 Sabihin pa, kayo ay tinawag ukol sa kalayaan,+ mga kapatid; huwag lamang ninyong gamitin ang kalayaang ito bilang pangganyak para sa laman,+ kundi sa pamamagitan ng pag-ibig ay magpaalipin kayo sa isa’t isa.+