52 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ibalik mo ang iyong tabak sa kinalalagyan nito,+ sapagkat ang lahat niyaong humahawak ng tabak ay malilipol sa pamamagitan ng tabak.+
12 Ang gabi ay malalim na; ang araw+ ay malapit na. Kaya nga alisin natin ang mga gawang nauukol sa kadiliman+ at isuot natin ang mga sandata+ ng liwanag.
13 Dahil dito ay kunin ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos,+ upang kayo ay makatagal sa balakyot na araw at, pagkatapos ninyong magawa nang lubusan ang lahat ng mga bagay, ay makatayong matatag.+
8 Ngunit kung para sa atin na nauukol sa araw, panatilihin natin ang ating katinuan at isuot ang baluti+ ng pananampalataya+ at pag-ibig at bilang helmet+ ay ang pag-asa ng kaligtasan;+
18 Ang utos+ na ito ay ipinagkakatiwala ko sa iyo, anak, Timoteo, ayon sa mga panghuhula+ na tuwirang tumutukoy sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay maipagpatuloy mo ang mainam na pakikipagdigma;+
24 Ngunit ang alipin ng Panginoon ay hindi kailangang makipag-away,+ kundi kailangang maging banayad sa lahat,+ kuwalipikadong magturo,+ nagpipigil sa ilalim ng kasamaan,+