19 “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.+ Ang isang bangkay ko—sila ay babangon.+ Gumising kayo at humiyaw nang may kagalakan, kayong mga tumatahan sa alabok!+ Sapagkat ang iyong hamog+ ay gaya ng hamog ng mga malva,+ at maging yaong mga inutil sa kamatayan ay palalaglagin ng lupa upang maipanganak.+
11 Gawin din ninyo ito, sapagkat alam ninyo ang kapanahunan, na oras na upang gumising+ kayo sa pagkakatulog, sapagkat mas malapit na ngayon ang ating kaligtasan kaysa noong panahong tayo ay maging mga mananampalataya.+