2 At ang bawat isa ay magiging gaya ng taguang dako sa hangin at dakong kublihan sa bagyong maulan,+ gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig,+ gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain.+
29 Kaya nga pagpakitaan ninyo siya ng kinaugaliang pagtanggap+ sa Panginoon taglay ang buong kagalakan; at patuloy ninyong ituring na mahalaga ang gayong uri ng mga tao,+
17 Ang matatandang lalaki na namumuno+ sa mahusay na paraan ay kilalaning karapat-dapat sa dobleng karangalan,+ lalo na yaong mga nagpapagal sa pagsasalita at pagtuturo.+
7 Alalahanin ninyo yaong mga nangunguna sa inyo,+ na siyang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos, at habang dinidili-dili ninyo ang kinalalabasan ng kanilang paggawi ay tularan+ ninyo ang kanilang pananampalataya.+