7 Si Jehova ngayon ay nagpakita kay Abram at nagsabi: “Sa iyong binhi+ ay ibibigay ko ang lupaing ito.”+ Pagkatapos ay nagtayo siya roon ng isang altar para kay Jehova, na nagpakita sa kaniya.
17 tiyak na pagpapalain kita at tiyak na pararamihin ko ang iyong binhi tulad ng mga bituin sa langit at tulad ng mga butil ng buhangin na nasa baybay-dagat;+ at aariin ng iyong binhi ang pintuang-daan ng kaniyang mga kaaway.+
13 Sapagkat hindi sa pamamagitan ng kautusan tinanggap ni Abraham o ng kaniyang binhi ang pangako+ na siya ay magiging tagapagmana ng isang sanlibutan, kundi sa pamamagitan ng katuwiran dahil sa pananampalataya.+
16 Ngayon ang mga pangako ay sinalita kay Abraham+ at sa kaniyang binhi.+ Hindi nito sinasabi: “At sa mga binhi,” gaya ng sa marami, kundi gaya ng sa iisa:+ “At sa iyong binhi,”+ na si Kristo.+