12 Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan,+ yamang malaki ang inyong gantimpala+ sa langit; sapagkat sa gayong paraan nila pinag-usig ang mga propetang+ nauna sa inyo.
41 Nang magkagayon ay yumaon ang mga ito mula sa harap ng Sanedrin, na nagsasaya+ sapagkat ibinilang silang karapat-dapat na walaing-dangal alang-alang sa kaniyang pangalan.+
14 Kung dinudusta kayo dahil sa pangalan ni Kristo,+ kayo ay maligaya,+ sapagkat ang espiritu ng kaluwalhatian, ang espiritu mismo ng Diyos, ay namamalagi sa inyo.+