11 Papastulan niyang gaya ng pastol ang kaniyang sariling kawan.+ Sa pamamagitan ng kaniyang bisig ay titipunin niya ang mga kordero;+ at sa kaniyang dibdib ay bubuhatin niya sila.+ Yaong mga nagpapasuso ay maingat niyang papatnubayan.+
16 Muli ay sinabi niya sa kaniya, sa ikalawang pagkakataon: “Simon na anak ni Juan, iniibig+ mo ba ako?” Sinabi niya sa kaniya: “Oo, Panginoon, alam mong may pagmamahal ako sa iyo.” Sinabi niya sa kaniya: “Pastulan mo ang aking maliliit na tupa.”+