12 Dahil dito, mga minamahal ko, kung paanong kayo ay laging sumusunod,+ hindi lamang kapag naririyan ako, kundi lalo pa ngang higit ngayon na wala ako riyan, patuloy kayong gumawa ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may takot+ at panginginig;
15 Gawin mo ang iyong buong makakaya na iharap sa Diyos ang iyong sarili bilang sinang-ayunan,+ manggagawa+ na walang anumang ikinahihiya,+ na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.+
11 Samakatuwid ay gawin natin ang ating buong makakaya na pumasok sa kapahingahang iyon, dahil baka may sinumang mahulog sa gayunding uri ng pagsuway.+
3 Mga minamahal,+ bagaman ginawa ko ang bawat pagsisikap na sulatan kayo tungkol sa kaligtasan na pinanghahawakan nating lahat,+ nasumpungan kong kinakailangang sulatan kayo upang payuhan kayo na puspusang makipaglaban ukol sa pananampalataya+ na minsanang ibinigay sa mga banal.+