7 Hindi nga ba ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutóm,+ at ang dalhin mo sa iyong bahay ang mga taong napipighati at walang tahanan?+ Na kung makakita ka ng sinumang hubad ay daramtan mo siya,+ at na hindi mo pagtataguan ang iyong sariling laman?+
20 Kung sasabihin ng sinuman: “Iniibig ko ang Diyos,” at gayunma’y napopoot sa kaniyang kapatid, siya ay sinungaling.+ Sapagkat siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid,+ na nakita niya, ay hindi makaiibig sa Diyos, na hindi niya nakita.+