3At ang serpiyente+ ang pinakamaingat+ sa lahat ng maiilap na hayop sa parang na ginawa ng Diyos na Jehova.+ Kaya nagsimula itong magsabi sa babae:+ “Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?”+
3 Ngunit natatakot ako na sa paanuman, kung paanong dinaya ng serpiyente si Eva+ sa pamamagitan ng katusuhan nito, ang inyong mga pag-iisip ay mapasamâ+ nang palayo sa kataimtiman at sa kalinisan na nauukol sa Kristo.+
14 Ngunit ang dalawang pakpak ng malaking agila+ ay ibinigay sa babae, upang makalipad siya patungo sa ilang+ sa kaniyang dako; doon siya pinakakain+ sa loob ng isang panahon at mga panahon at kalahating panahon+ na malayo sa mukha ng serpiyente.+