Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 46:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Para sa Ehipto,+ may kinalaman sa hukbong militar ni Paraon Neco na hari ng Ehipto,+ na naroon sa tabi ng ilog ng Eufrates sa Carkemis,+ na natalo ni Nabucodorosor na hari ng Babilonya nang ikaapat na taon ni Jehoiakim+ na anak ni Josias, na hari ng Juda:

  • Jeremias 51:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Pakinisin ang mga palaso.+ Punuin ninyo ang mga bilog na kalasag. Pinukaw ni Jehova ang espiritu ng mga hari ng mga Medo,+ sapagkat ang kaniyang kaisipan ay laban sa Babilonya,+ upang gibain siya. Sapagkat iyon ang paghihiganti ni Jehova, ang paghihiganti para sa kaniyang templo.+

  • Daniel 8:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Ang barakong tupa na iyong nakita na may dalawang sungay ay kumakatawan sa mga hari ng Media at Persia.+

  • Daniel 8:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At ang mabalahibong kambing na lalaki ay kumakatawan sa hari ng Gresya;+ at kung tungkol sa malaking sungay na nasa pagitan ng mga mata nito, iyon ay kumakatawan sa unang hari.+

  • Zefanias 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “At iuunat niya ang kaniyang kamay sa dakong hilaga, at wawasakin niya ang Asirya.+ At ang Nineve ay gagawin niyang tiwangwang na kaguhuan,+ isang pook na walang tubig na gaya ng ilang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share