Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 48:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Nang makita ni Jose na hindi inaalis ng ama niya ang kanang kamay nito sa ulo ni Efraim, hindi niya iyon nagustuhan, kaya sinubukan niyang ilipat sa ulo ni Manases ang kamay ng ama niya na nakapatong sa ulo ni Efraim.

  • Bilang 1:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Ang pangalan ng mga inapo ni Jose mula kay Efraim+ ay inilista ayon sa pamilya at angkan. Binilang ang lahat ng lalaki mula 20 taóng gulang pataas na puwedeng sumama sa hukbo, 33 at ang nairehistro sa tribo ni Efraim ay 40,500.

  • Deuteronomio 33:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ang kaluwalhatian niya ay gaya ng sa panganay na toro,

      At ang mga sungay niya ay mga sungay ng torong-gubat.

      Gamit ang mga iyon, ang mga bayan ay itutulak* niya

      Nang sama-sama hanggang sa mga dulo ng lupa.

      Sila ang sampu-sampung libo ni Efraim,+

      At sila ang libo-libo ni Manases.”

  • Josue 14:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang mga inapo ni Jose ay itinuturing na dalawang tribo,+ ang Manases at ang Efraim;+ at hindi nila binigyan ng parte sa lupain ang mga Levita, maliban sa mga lunsod+ na titirhan ng mga ito at lupa para sa mga alagang hayop at pag-aari ng mga ito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share