Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ito ang kasaysayan ni Noe.

      Si Noe ay isang matuwid na lalaki.+ Siya ay walang pagkukulang* kung ihahambing sa mga kapanahon* niya. Si Noe ay lumakad na kasama ng tunay na Diyos.+

  • Deuteronomio 8:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 “Lumakad kayo sa mga daan ng Diyos ninyong si Jehova at matakot kayo sa kaniya para masunod ninyo ang mga utos niya.

  • Deuteronomio 13:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang Diyos ninyong si Jehova ang dapat ninyong sundan, siya ang dapat ninyong katakutan, ang mga utos niya ang dapat ninyong sundin, ang tinig niya ang dapat ninyong pakinggan; siya ang dapat ninyong paglingkuran, at sa kaniya kayo dapat mangunyapit.+

  • 3 Juan 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Wala nang mas makapagpapasaya pa sa akin* kaysa rito: ang marinig ko na ang mga anak ko ay patuloy na lumalakad sa katotohanan.+

  • Judas 14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Oo, ang ikapito sa talaangkanan mula kay Adan, si Enoc,+ ay nanghula rin tungkol sa kanila at sinabi niya: “Si Jehova* ay dumating na kasama ang kaniyang napakaraming* banal+ 15 para maglapat ng hatol laban sa lahat,+ at para hatulang nagkasala ang lahat ng di-makadiyos may kinalaman sa lahat ng di-makadiyos na mga bagay na ginawa nila sa di-makadiyos na paraan, at may kinalaman sa lahat ng nakapangingilabot na bagay na sinabi ng di-makadiyos na mga makasalanan laban sa kaniya.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share