-
Genesis 42:21, 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
21 At sinabi nila sa isa’t isa: “Tiyak na pinaparusahan tayo dahil sa ating kapatid,+ dahil nakita natin ang paghihirap niya nang magmakaawa siya sa atin, pero hindi tayo nakinig. Iyan ang dahilan kung bakit nagdurusa tayo ngayon.” 22 Kaya sinabi ni Ruben: “Hindi ba sinabi ko sa inyo, ‘Huwag ninyong gawan ng masama ang bata’? Pero hindi kayo nakinig.+ At ngayon ay sinisingil sa atin ang dugo niya.”+
-