-
Genesis 47:29, 30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
29 Nang malapit nang mamatay si Israel,+ tinawag niya ang anak niyang si Jose at sinabi: “Kung naging kalugod-lugod ako sa iyong paningin, pakisuyong ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng hita ko at magpakita ka ng tapat na pag-ibig at katapatan sa akin. Pakisuyo, huwag mo akong ilibing sa Ehipto.+ 30 Kapag namatay ako,* ilabas mo ako sa Ehipto at ilibing sa libingan ng mga ninuno ko.”+ Kaya sinabi niya: “Gagawin ko po ang sinabi ninyo.”
-