Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 12:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Maganda ang naging pakikitungo nito kay Abram dahil kay Sarai, at nagkaroon si Abram ng mga tupa, baka, asnong lalaki at babae, alilang lalaki at babae, at mga kamelyo.+

  • Genesis 26:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At nagsimulang maghasik si Isaac ng binhi sa lupaing iyon, at nang taóng iyon, umani siya nang 100 beses na mas marami sa inihasik niya, dahil pinagpapala siya ni Jehova.+

  • Genesis 26:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Nagkaroon siya ng mga kawan ng tupa at baka at napakaraming lingkod,+ at nainggit sa kaniya ang mga Filisteo.

  • Genesis 31:17, 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya isinakay ni Jacob sa mga kamelyo ang kaniyang mga anak at mga asawa,+ 18 at isinama niya sa paglalakbay ang buong kawan niya at dinala ang lahat ng pag-aari na natipon niya.+ Ang kawan na natipon niya sa Padan-aram ay isinama niya sa pagpunta kay Isaac na kaniyang ama sa lupain ng Canaan.+

  • Genesis 46:33, 34
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Kapag ipinatawag kayo ng Paraon at nagtanong siya, ‘Ano ang hanapbuhay ninyo?’ 34 sabihin ninyo, ‘Ang iyong mga lingkod ay nag-aalaga ng mga hayop mula pagkabata hanggang ngayon, kami at ang mga ninuno namin,’+ para makapanirahan kayo sa lupain ng Gosen,+ dahil namumuhi ang mga Ehipsiyo sa mga pastol ng tupa.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share