-
Genesis 41:30, 31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 Pero kasunod nito ay magkakaroon naman ng pitong-taóng taggutom, at malilimutan nga ang lahat ng kasaganaan sa lupain ng Ehipto, at napakalaki ng pinsalang idudulot ng taggutom sa lupain.+ 31 At hindi na maaalaala ang naranasang kasaganaan sa lupain dahil sa kasunod nitong taggutom, dahil magiging napakatindi nito.
-