-
Hukom 20:15, 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Nang araw na iyon, ang mga Benjaminita ay nakapagtipon mula sa mga lunsod nila ng 26,000 lalaking may espada, bukod pa sa 700 piling lalaki ng Gibeah. 16 Kasama sa hukbong ito ang 700 piling lalaki na kaliwete. Ang bawat isa sa mga ito ay asintado sa pagpapahilagpos ng bato at hindi nagmimintis kahit gabuhok.
-
-
1 Samuel 9:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 “Mga ganitong oras bukas, magsusugo ako sa iyo ng isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin.+ Pahiran mo siya ng langis para maging pinuno ng bayan kong Israel,+ at ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil nakita ko ang pagdurusa ng bayan ko, at narinig ko ang pagdaing nila.”+
-