-
Genesis 6:19, 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 At ipasok mo sa arka ang dalawa sa bawat uri ng buháy na nilalang+ para maingatan silang buháy kasama mo, isang lalaki at isang babae.+ 20 Mula sa lumilipad na mga nilalang ayon sa mga uri nito, maaamong hayop ayon sa mga uri nito, at lahat ng gumagapang na hayop sa lupa ayon sa mga uri nito, dalawa sa bawat uri ang pupunta sa iyo at papasok sa arka para maingatan silang buháy.+
-
-
Hebreo 11:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Dahil sa pananampalataya, si Noe,+ pagkatapos tumanggap ng babala mula sa Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita,+ ay nagpakita ng makadiyos na takot at nagtayo ng arka+ para maligtas ang sambahayan niya; at dahil sa pananampalatayang ito, hinatulan niya ang sanlibutan,+ at siya ay naging tagapagmana ng katuwiran na bunga ng pananampalataya.
-