Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 13:14, 15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sinabi ni Jehova kay Abram pagkatapos humiwalay ni Lot sa kaniya: “Pakisuyo, mula sa kinaroroonan mo ay tumingin ka sa paligid mo, sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran, 15 dahil ang lahat ng lupain na natatanaw mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga supling* mo para maging pag-aari ninyo magpakailanman.+

  • Genesis 15:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pagkatapos nito, ang salita ni Jehova ay dumating kay Abram sa isang pangitain, na nagsasabi: “Huwag kang matakot,+ Abram. Ako ay kalasag para sa iyo.+ Napakalaki ng magiging gantimpala mo.”+

  • Genesis 15:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At sinabi pa Niya: “Ako si Jehova, na naglabas sa iyo mula sa Ur ng mga Caldeo para ibigay sa iyo ang lupaing ito.”+

  • Genesis 17:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Noong si Abram ay 99 na taóng gulang, si Jehova ay nagpakita kay Abram at nagsabi: “Ako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Lumakad ka nang tapat sa harap ko at ipakita mong wala kang pagkukulang.*

  • Genesis 17:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ibibigay ko sa iyo at sa magiging mga supling* mo ang lupain kung saan ka nanirahan bilang dayuhan+—ang buong lupain ng Canaan—para maging pag-aari ninyo magpakailanman, at ako ay magiging Diyos ninyo.”+

  • Deuteronomio 34:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Ito ang lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob. Sinabi ko, ‘Ibibigay ko ito sa mga supling* mo.’+ Ipinakita ko ito sa iyo pero hindi ka makakapunta roon.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share