-
Genesis 35:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Kaya sinabi ni Jacob sa sambahayan niya at sa lahat ng kasama niya: “Alisin ninyo sa gitna ninyo ang mga diyos ng mga banyaga,+ at linisin ninyo ang inyong sarili at magpalit kayo ng damit, 3 at aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Gagawa ako roon ng isang altar para sa tunay na Diyos, na duminig sa akin sa panahon ng kagipitan at kasama ko saanman ako pumunta.”+
-