-
Exodo 1:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Dahil dito, walang awang inalipin ng mga Ehipsiyo ang mga Israelita.+ 14 At patuloy nilang pinahirapan ang mga ito; pinagagawa nila ang mga ito ng luwad na argamasa* at mga laryo* at ng iba’t ibang mabibigat na trabaho sa bukid. Oo, pinagmalupitan nila ang mga ito at ipinagawa sa mga ito ang lahat ng trabaho ng isang alipin.+
-
-
Gawa 7:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 Sinabi rin sa kaniya ng Diyos na ang mga supling* niya ay magiging dayuhan sa ibang bansa, at aalipinin sila roon at pahihirapan* nang 400 taon.+ 7 ‘At hahatulan ko ang bansang iyon na mang-aalipin sa kanila,’+ ang sabi ng Diyos, ‘at pagkatapos nito, lalaya sila at maglilingkod* sa akin sa lugar na ito.’+
-