6 At sinabi ni Rebeka sa anak niyang si Jacob:+ “Karirinig ko lang na sinabi ng iyong ama sa kapatid mong si Esau, 7 ‘Manghuli ka ng hayop para sa akin at ipagluto mo ako ng masarap na pagkain. Pagkatapos kong kainin iyon ay pagpapalain kita sa harap ni Jehova bago ako mamatay.’+
46 Pagkatapos nito, laging sinasabi ni Rebeka kay Isaac: “Naging miserable ang buhay ko dahil sa mga babaeng Hiteo.+ Kung mag-aasawa rin si Jacob ng mga babaeng Hiteo, na gaya ng mga babaeng nakatira sa lupain, mabuti pang mamatay na lang ako.”+