Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 12:1-3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At sinabi ni Jehova kay Abram: “Umalis ka sa iyong lupain, iwan mo ang mga kamag-anak mo at ang pamilya ng iyong ama, at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.+ 2 Gagawin kitang isang malaking* bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang pangalan mo, at magiging pagpapala ka.+ 3 Pagpapalain ko ang mga humihiling na pagpalain ka ng Diyos, at susumpain ko ang sumusumpa sa iyo,+ at tiyak na pagpapalain* ang lahat ng pamilya sa lupa sa pamamagitan mo.”+

  • Gawa 3:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Kayo ang mga anak ng mga propeta at ang mga makikinabang sa pakikipagtipan ng Diyos sa inyong mga ninuno.+ Sinabi niya kay Abraham: ‘At sa pamamagitan ng iyong supling,* ang lahat ng pamilya sa lupa ay pagpapalain.’+

  • Galacia 3:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Patiunang nakita ng kasulatan na ipahahayag ng Diyos na matuwid ang mga tao ng ibang mga bansa dahil sa pananampalataya, kaya patiuna nitong ipinaalám kay Abraham ang mabuting balitang ito: “Sa pamamagitan mo ay pagpapalain ang lahat ng bansa.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share