-
Genesis 25:31-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Sinabi ni Jacob: “Ipagbili mo muna sa akin ang karapatan mo bilang panganay!”+ 32 Sumagot si Esau: “Mamamatay na ako sa gutom! Ano pa ang silbi ng karapatan ko bilang panganay?” 33 Sinabi ni Jacob: “Sumumpa ka muna sa akin!” Kaya sumumpa ito sa kaniya at ipinagbili kay Jacob ang karapatan nito bilang panganay.+
-
-
Roma 9:10-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 Pero hindi lang noon ibinigay ang pangako, kundi noon ding magdalang-tao ng kambal si Rebeka kay Isaac, na ninuno natin;+ 11 dahil noong hindi pa sila ipinanganganak at wala pa silang nagagawang mabuti o masama, sinabi na ng Diyos kung sino ang pinili niya, para maipakitang ang pagpili ay nakadepende, hindi sa mga gawa, kundi sa Isa na tumatawag; 12 sinabi sa babae: “Ang nakatatanda ay magiging alipin ng nakababata.”+
-