-
Genesis 26:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Nang gabing iyon, nagpakita sa kaniya si Jehova at nagsabi: “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham.+ Huwag kang matakot,+ dahil ako ay sumasaiyo, at pagpapalain kita at pararamihin ko ang mga supling* mo dahil kay Abraham na lingkod ko.”+ 25 Kaya nagtayo siya roon ng isang altar at tumawag sa pangalan ni Jehova.+ Doon itinayo ni Isaac ang tolda niya,+ at naghukay roon ng balon ang mga lingkod niya.
-