Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 26:1-6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “Gagawin mo ang tabernakulo+ na may 10 telang pantolda na hinabi gamit ang magandang klase ng pinilipit na lino, asul na sinulid, purpurang lana, at matingkad-na-pulang sinulid. Buburdahan mo ng mga kerubin+ ang mga iyon.+ 2 Ang bawat telang pantolda ay may haba na 28 siko* at lapad na 4 na siko. Iisa ang sukat para sa lahat ng telang pantolda.+ 3 Ang limang telang pantolda ay pagdurugtong-dugtungin para makabuo ng isang malaking telang pantolda, at iyon din ang gagawin sa lima pang telang pantolda. 4 Lalagyan mo ng mga kawitan na yari sa asul na sinulid ang isang gilid ng bawat malaking telang pantolda, kung saan pagdurugtungin ang mga ito. 5 Lalagyan mo ng 50 kawitan ang isang gilid ng bawat malaking telang pantolda kung saan pagdurugtungin ang mga ito, at dapat na magkakatapat ang mga kawitan. 6 Gagawa ka ng 50 gintong pangawit at pagdurugtungin mo ang malalaking telang pantolda gamit ang mga pangawit, at iyon ay magiging isang buong telang pantolda para sa tabernakulo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share