-
Exodo 26:7-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Gagawa ka rin ng mga telang yari sa balahibo ng kambing+ para gawing tolda* sa ibabaw ng tabernakulo. Gagawa ka ng 11 telang pantolda.+ 8 Ang bawat telang pantolda ay may haba na 30 siko at lapad na 4 na siko. Iisa ang sukat para sa 11 telang pantolda. 9 Pagdurugtong-dugtungin mo ang limang telang pantolda, at iyon din ang gagawin mo sa anim pang telang pantolda, at itutupi mo ang ikaanim na telang pantolda na nasa harap ng tolda. 10 At lalagyan mo ng 50 kawitan ang gilid ng isang telang pantolda, ang pinakadulo sa nabuong malaking telang pantolda; lalagyan mo rin ng 50 kawitan ang gilid ng isa pang malaking telang pantolda, kung saan pagdurugtungin ang malalaking telang pantolda. 11 Gagawa ka ng 50 tansong pangawit at ilalagay mo ang mga pangawit sa mga kawitan at pagdurugtungin mo ang malalaking telang pantolda, at iyon ay magiging isang buo.
-