-
Exodo 31:2-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 “Tingnan mo, pinili ko* si Bezalel+ na anak ni Uri na anak ni Hur na mula sa tribo ni Juda.+ 3 Pupuspusin ko siya ng espiritu ng Diyos at bibigyan ng karunungan, unawa, at kaalaman sa bawat uri ng kasanayan, 4 sa paggawa ng magagandang disenyo, sa paggawa gamit ang ginto, pilak, at tanso, 5 sa pagtabas ng mga bato at paggawa ng mga lalagyan* nito,+ at sa paggawa ng bawat uri ng kagamitang yari sa kahoy.+
-