-
Exodo 25:10-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
10 “Gagawa kayo ng isang kaban na yari sa kahoy ng akasya—dalawa at kalahating siko* ang haba, isa at kalahating siko ang lapad, at isa at kalahating siko ang taas.+ 11 Babalutan mo iyon ng purong ginto.+ Babalutan mo iyon sa loob at labas, at papalibutan mo ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito.+ 12 Maghuhulma ka ng apat na gintong argolya* para dito at ikakabit mo ang mga iyon sa itaas ng apat na paa nito, dalawang argolya sa isang panig at dalawa sa kabila. 13 Gagawa ka ng mga pingga* na yari sa kahoy ng akasya at babalutan mo ng ginto ang mga iyon.+ 14 Ipapasok mo ang mga pingga sa mga argolya na nasa mga gilid ng Kaban para mabuhat ang Kaban. 15 Ang mga pingga ay mananatiling nakapasok sa mga argolya ng Kaban; hindi aalisin doon ang mga iyon.+
-