-
Exodo 28:22-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 “Gagawa ka para sa pektoral ng mga tali na yari sa purong ginto at pinilipit na tulad ng lubid.+ 23 Gagawa ka ng dalawang gintong argolya* para sa pektoral, at ikakabit mo ang dalawang argolya sa magkabilang dulo ng pektoral.* 24 Ipapasok mo ang dalawang gintong tali sa dalawang argolya na nasa mga dulo ng pektoral. 25 Ipapasok mo ang dalawang dulo ng dalawang tali sa dalawang lalagyan,* at ikakabit mo ang mga iyon sa pahabang mga tela sa balikat ng epod, sa bandang harap nito.
-