-
Exodo 29:36, 37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
36 Araw-araw mong ihahandog bilang pambayad-sala ang toro na handog para sa kasalanan, at dadalisayin* mo ang altar mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad-sala para dito, at papahiran mo ng langis ang altar para mapabanal ito.+ 37 Gugugol ka ng pitong araw sa pagbabayad-sala para sa altar, at pababanalin mo iyon para iyon ay maging isang kabanal-banalang altar.+ Dapat na banal ang sinumang hihipo sa altar.
-
-
Levitico 8:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkatapos, pitong ulit niyang pinatuluan ng langis para sa pag-aatas ang ibabaw ng altar at lahat ng kagamitan nito at ang tipunan ng tubig at patungan nito para mapabanal ang mga iyon.
-