-
Josue 2:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sinabi niya sa kanila: “Alam kong ibibigay sa inyo ni Jehova ang lupain.+ Takot na takot kami sa inyo.+ Ang lahat ng nakatira sa lupain ay pinanghihinaan ng loob dahil sa inyo.+ 10 Narinig namin kung paano tinuyo ni Jehova ang tubig ng Dagat na Pula sa harap ninyo nang lumabas kayo mula sa Ehipto,+ at kung ano ang ginawa ninyo sa dalawang hari ng mga Amorita na sina Sihon+ at Og,+ na pinuksa ninyo sa kabilang ibayo* ng Jordan.
-
-
1 Cronica 16:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Isaysay ninyo sa mga bansa ang kaluwalhatian niya,
Sa lahat ng bayan ang kaniyang kamangha-manghang mga gawa.
-
-
Isaias 63:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Ang may maluwalhating bisig na tumulong sa kanang kamay ni Moises,+
Ang humati sa tubig sa harap nila+
Para gumawa ng walang-hanggang pangalan para sa sarili niya,+
-