-
Exodo 10:17-19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Ngayon, pakisuyo, patawarin ninyo ang kasalanan ko kahit ngayon lang, at makiusap kayo sa Diyos ninyong si Jehova para alisin niya sa akin ang nakamamatay na salot na ito.” 18 Kaya umalis siya* sa harap ng Paraon at nakiusap kay Jehova.+ 19 At binago ni Jehova ang direksiyon ng hangin; iyon ay naging isang napakalakas na hanging kanluran, at tinangay nito sa Dagat na Pula ang mga balang. Walang natira kahit isang balang sa buong teritoryo ng Ehipto.
-