Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 13:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At sinabi ni Moises sa bayan: “Alalahanin ninyo ang araw na iyon nang lumabas kayo sa Ehipto,+ kung saan kayo naging alipin,* dahil inilabas kayo ni Jehova mula rito gamit ang kaniyang makapangyarihang kamay.+ Kaya hindi kayo puwedeng kumain ng anumang may pampaalsa.

  • Exodo 13:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At sasabihin ninyo sa inyong anak sa araw na iyon, ‘Dahil ito sa ginawa ni Jehova para sa akin nang lumabas ako sa Ehipto.’+

  • Deuteronomio 4:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “Mag-ingat lang kayo at bantayan ninyo ang inyong sarili, para hindi ninyo malimutan ang mga bagay na nakita ninyo mismo at hindi mahiwalay ang mga iyon sa puso ninyo habambuhay. Ipaaalam din ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak at apo.+

  • Deuteronomio 6:20-22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “Pagdating ng panahon, kapag itinanong ng anak ninyo, ‘Bakit ibinigay ng Diyos nating si Jehova ang mga paalaala, tuntunin, at hudisyal na pasiyang ito?’ 21 sabihin ninyo sa anak ninyo, ‘Naging mga alipin kami ng Paraon sa Ehipto, pero inilabas kami ni Jehova sa Ehipto gamit ang makapangyarihang kamay niya. 22 Gumawa si Jehova sa harap namin ng maraming tanda at himala, na dakila at kapaha-pahamak, laban sa Ehipto,+ sa Paraon, at sa buong sambahayan niya.+

  • Awit 44:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 O Diyos, narinig ng sarili naming mga tainga,

      Ikinuwento sa amin ng mga ninuno namin,+

      Ang mga ginawa mo noong panahon nila,

      Noong unang panahon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share