-
Exodo 10:8-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Kaya pinabalik sa Paraon sina Moises at Aaron, at sinabi nito: “Sige, maglingkod na kayo sa Diyos ninyong si Jehova. Pero sino ang mga aalis?” 9 Sinabi ni Moises: “Isasama namin ang aming mga kabataan, matatanda, mga anak na lalaki at babae, mga tupa, at mga baka,+ dahil magdiriwang kami ng kapistahan para kay Jehova.”+ 10 Sinabi naman niya: “Iniisip ba talaga ninyong papayagan ko kayong umalis kasama ang mga anak ninyo? Kapag nangyari iyon, masasabi ninyong sumasainyo si Jehova!+ Sabi na nga ba’t may masama kayong balak. 11 Hindi puwede! Papayagan ko kayong maglingkod kay Jehova dahil iyan ang hiniling ninyo, pero mga lalaki lang ang aalis.” At pinalayas sila sa harap ng Paraon.
-