Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 12:1, 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At sinabi ni Jehova kay Abram: “Umalis ka sa iyong lupain, iwan mo ang mga kamag-anak mo at ang pamilya ng iyong ama, at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.+ 2 Gagawin kitang isang malaking* bansa, at pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang pangalan mo, at magiging pagpapala ka.+

  • Genesis 15:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Pagkatapos nito, ang salita ni Jehova ay dumating kay Abram sa isang pangitain, na nagsasabi: “Huwag kang matakot,+ Abram. Ako ay kalasag para sa iyo.+ Napakalaki ng magiging gantimpala mo.”+

  • Genesis 15:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Dinala Niya siya ngayon sa labas at sinabi: “Pakisuyo, tumingin ka sa langit at bilangin mo ang mga bituin, kung mabibilang mo nga iyon.” Pagkatapos, sinabi Niya: “Magiging ganiyan karami ang mga supling* mo.”+

  • Genesis 46:2, 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Isang gabi, kinausap ng Diyos si Israel sa pamamagitan ng pangitain at sinabi: “Jacob, Jacob!” Sumagot ito: “Narito ako!” 3 Sinabi niya: “Ako ang tunay na Diyos, ang Diyos ng iyong ama.+ Huwag kang matakot na pumunta sa Ehipto, dahil gagawin kitang isang malaking* bansa roon.+

  • Exodo 1:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At ang mga Israelita ay naging palaanakin at dumami nang husto, at tuloy-tuloy ang napakabilis na pagdami nila at paglakas, kaya napuno nila ang lupain.+

  • Bilang 2:32
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 32 Ito ang mga Israelita na nairehistro ayon sa angkan nila; ang lahat ng nasa kampo na nairehistro para sa hukbo ay 603,550.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share