Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 22:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Huwag kang magdadalawang-isip na maghandog mula sa iyong saganang ani at umaapaw na mga pisaan.*+ Ang iyong panganay na lalaki ay ibibigay mo sa akin.+

  • Exodo 34:19, 20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 “Ang bawat panganay na lalaki* ay akin,+ kasama ang lahat ng iyong alagang hayop, ito man ay panganay na lalaking baka o tupa.+ 20 Ang panganay ng asno ay tutubusin mo ng isang tupa. Pero kung hindi mo iyon tutubusin, babaliin mo ang leeg nito. Tutubusin mo rin ang bawat panganay na lalaki sa iyong pamilya.+ Hindi puwedeng humarap sa akin ang sinumang walang dala.

  • Levitico 27:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “‘Pero walang sinuman ang dapat mag-alay* ng panganay ng mga hayop, dahil kay Jehova na ang mga panganay mula nang ipanganak ang mga ito.+ Toro* man o tupa, pag-aari na ito ni Jehova.+

  • Bilang 3:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Dahil ang lahat ng panganay ay akin.+ Nang araw na patayin ko ang lahat ng panganay sa Ehipto,+ pinabanal ko para sa akin ang lahat ng panganay sa Israel, tao man o hayop.+ Sila ay magiging akin. Ako si Jehova.”

  • Lucas 2:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Gayundin, nang panahon na para sa pagpapabanal sa kanila ayon sa Kautusan ni Moises,+ dinala nila siya* sa Jerusalem para iharap kay Jehova,* 23 gaya ng nakasulat sa Kautusan ni Jehova:* “Ang bawat panganay na lalaki* ay dapat ialay kay Jehova.”*+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share