-
Exodo 13:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Nang pumayag ang Paraon na umalis ang bayan, hindi sila idinaan ng Diyos sa lupain ng mga Filisteo, kahit na mas maikli ang rutang iyon. Dahil sinabi ng Diyos: “Baka magbago ang isip ng bayan kapag napaharap sila sa digmaan at bumalik sila sa Ehipto.” 18 Kaya idinaan sila ng Diyos sa mahabang ruta, sa ilang na malapit sa Dagat na Pula.+ Pero ang mga Israelita ay nakahanay na gaya ng isang hukbo nang umalis sila sa Ehipto.
-