Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 16:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Paulit-ulit na sinasabi sa kanila ng mga Israelita: “Pinatay na lang sana kami ni Jehova* sa Ehipto habang nakaupo kami sa tabi ng mga kaldero ng karne,+ habang kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog. Dinala ninyo sa ilang na ito ang buong kongregasyon para lang patayin kami sa gutom.”+

  • Exodo 17:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Uhaw na uhaw roon ang bayan, at lagi silang nagbubulong-bulungan laban kay Moises+ at nagsasabi: “Bakit mo kami inilabas sa Ehipto para lang patayin kami sa uhaw, pati na ang mga anak at alagang hayop namin?”

  • Bilang 14:2-4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Lahat ng Israelita ay nagsimulang magbulong-bulungan laban kina Moises at Aaron,+ at nagsalita laban sa kanila ang buong bayan: “Namatay na lang sana tayo sa Ehipto, o namatay na lang sana tayo sa ilang na ito! 3 Bakit pa tayo dadalhin ni Jehova sa lupaing iyon para mamatay sa espada?+ Magiging samsam ang ating mga asawang babae at anak.+ Hindi ba mas mabuti kung bumalik tayo sa Ehipto?”+ 4 Sinabi pa nila sa isa’t isa: “Mag-atas tayo ng mangunguna sa atin, at bumalik tayo sa Ehipto!”+

  • Awit 106:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Hindi pinahalagahan* ng mga ninuno namin sa Ehipto ang kamangha-mangha mong mga gawa.

      Hindi nila inalaala ang iyong saganang tapat na pag-ibig,

      Kundi naghimagsik sila sa dagat, sa tabi ng Dagat na Pula.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share