Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Nilamon sila ng nagngangalit na mga alon; lumubog sila sa kalaliman tulad ng isang bato.+

  • Exodo 15:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Humihip ka, at tumakip sa kanila ang dagat;+

      Lumubog sila na parang tingga sa nagngangalit na tubig.

  • Deuteronomio 11:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Hindi nila nakita ang mga tanda at iba pang ginawa niya sa Ehipto, sa Paraon na hari ng Ehipto at sa buong lupain nito,+ 4 o ang ginawa niya sa mga hukbo ng Ehipto, sa mga kabayo at karwaheng* pandigma ng Paraon, na nilamon ng tubig ng Dagat na Pula noong hinahabol nila kayo; lubusan silang pinuksa ni Jehova.+

  • Josue 24:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang inilalabas ko ang inyong mga ama mula sa Ehipto+ at nakarating kayo sa dagat, ang inyong mga ama ay hinabol ng mga Ehipsiyo na may mga karwaheng pandigma at mga kabalyero hanggang sa Dagat na Pula.+ 7 Nagsimula silang humingi ng tulong kay Jehova,+ kaya naglagay siya ng kadiliman sa pagitan ninyo at ng mga Ehipsiyo at itinabon niya sa kanila ang dagat at tinakpan sila,+ at nakita ng sarili ninyong mga mata kung ano ang ginawa ko sa Ehipto.+ At tumira kayo sa ilang nang maraming taon.*+

  • Nehemias 9:10, 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Pagkatapos, gumawa ka ng mga tanda at himala para parusahan ang Paraon, ang lahat ng lingkod niya, at ang lahat ng nasa lupain niya+ dahil alam mong pinahirapan nila ang iyong bayan.+ Ipinakilala mo ang iyong pangalan na nananatiling tanyag hanggang ngayon.+ 11 At hinati mo ang dagat sa harap nila kaya nakatawid sila sa tuyong sahig nito,+ at ang mga humahabol sa kanila ay inihagis mo sa kalaliman gaya ng batong itinapon sa maunos na dagat.+

  • Awit 78:53
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 53 Inakay niya sila at iningatan,

      At hindi sila nakadama ng takot;+

      Tinabunan ng dagat ang mga kaaway nila.+

  • Hebreo 11:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Dahil sa pananampalataya, tumawid sila sa Dagat na Pula na gaya ng sa tuyong lupa,+ pero nang subukang tumawid ng mga Ehipsiyo, nilamon sila ng tubig.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share