-
Exodo 24:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
12 Sinabi ngayon ni Jehova kay Moises: “Pumunta ka sa akin sa bundok at manatili ka roon. Ibibigay ko sa iyo ang mga tapyas ng bato kung saan ko isusulat ang kautusan at batas na magtuturo sa kanila.”+ 13 Kaya kumilos si Moises at ang lingkod niyang si Josue,+ at umakyat si Moises sa bundok ng tunay na Diyos.+
-
-
1 Hari 19:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Kaya bumangon siya at kumain at uminom, at dahil sa pagkaing iyon, nagkaroon siya ng lakas para makapaglakbay nang 40 araw at 40 gabi hanggang sa makarating siya sa Horeb, ang bundok ng tunay na Diyos.+
9 Pumasok siya sa isang kuweba+ at doon nagpalipas ng gabi; at sinabi sa kaniya ni Jehova: “Ano ang ginagawa mo rito, Elias?”
-