-
Exodo 33:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
33 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: “Magpatuloy ka sa paglalakbay kasama ang bayang inilabas mo sa Ehipto. Pumunta kayo sa lupaing ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob nang sabihin ko, ‘Ibibigay ko ito sa mga supling* mo.’+ 2 Magsusugo ako ng isang anghel sa unahan mo,+ at itataboy ko ang mga Canaanita, Amorita, Hiteo, Perizita, Hivita, at Jebusita.+
-
-
Nehemias 9:7, 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ikaw si Jehova na tunay na Diyos, na pumili kay Abram+ at naglabas sa kaniya mula sa Ur+ ng mga Caldeo at nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.+ 8 Nakita mong tapat sa iyo ang kaniyang puso,+ kaya nakipagtipan ka sa kaniya na ibibigay mo sa kaniya at sa mga supling* niya ang lupain ng mga Canaanita, Hiteo, Amorita, Perizita, Jebusita, at Girgasita;+ at tinupad mo ang iyong mga pangako dahil matuwid ka.
-