21 “‘Huwag mo ring nanasain ang asawa ng kapuwa mo.+ Huwag mo ring nanasain nang may kasakiman ang bahay, bukid, aliping lalaki o babae, toro, asno, o anumang pag-aari ng kapuwa mo.’+
7 Kaya sasabihin ba natin ngayon na may mali sa Kautusan?* Huwag naman! Ang totoo, hindi ko malalaman ang kasalanan kung hindi dahil sa Kautusan.+ Halimbawa, hindi ko malalaman ang kaimbutan* kung hindi sinabi ng Kautusan: “Huwag mong nanasain ang pag-aari ng iba.”+