-
Bilang 35:22-25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 “‘Gayunman, kung hindi naman siya napopoot sa kapuwa niya pero di-sinasadyang naitulak niya ito o nabato ng anumang bagay nang wala naman siyang masamang motibo,+ 23 o kung hindi niya ito nakita kaya nabagsakan niya ito ng bato at namatay, pero hindi niya ito kaaway o hindi niya ito gustong saktan, 24 hahatol ang kapulungan sa pagitan ng nakasakit at ng tagapaghiganti ng dugo ayon sa nabanggit na mga batas.+ 25 Ang nakapatay ay ililigtas ng kapulungan mula sa tagapaghiganti ng dugo at ibabalik siya sa kanlungang lunsod kung saan siya tumakbo, at titira siya roon hanggang sa mamatay ang mataas na saserdote na pinahiran ng banal na langis.+
-
-
Deuteronomio 19:3-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Hatiin ninyo sa tatlong bahagi ang teritoryo ng inyong lupain na ibinigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova, at ihanda ninyo ang mga daan para makatakbo sa isa sa mga lunsod na iyon ang sinumang nakapatay.
4 “Ito ang tuntunin para sa sinumang nakapatay na puwedeng tumakbo roon para mabuhay: Kapag di-sinasadyang napatay ng isang tao ang kapuwa niya at wala naman siyang galit dito;+ 5 halimbawa, kung manguha siya ng kahoy sa gubat kasama ang kapuwa niya at nang puputulin na sana niya ang puno gamit ang palakol, biglang natanggal ang ulo ng palakol at tumama sa kapuwa niya at namatay ito; dapat tumakbo ang nakapatay sa isa sa mga lunsod na ito para mabuhay.+
-
-
Josue 20:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Kaya binigyan nila ng sagradong katayuan* ang mga lunsod na ito: ang Kedes+ sa Galilea sa mabundok na rehiyon ng Neptali, ang Sikem+ sa mabundok na rehiyon ng Efraim, at ang Kiriat-arba,+ na tinatawag ding Hebron, sa mabundok na rehiyon ng Juda. 8 Sa rehiyon ng Jordan, sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer+ sa ilang na nasa talampas mula sa tribo ni Ruben, ang Ramot+ sa Gilead mula sa tribo ni Gad, at ang Golan+ sa Basan mula sa tribo ni Manases.+
9 Ito ang mga lunsod na maaaring takbuhan ng sinumang Israelita o dayuhang naninirahang kasama nila na nakapatay nang di-sinasadya,+ para hindi siya mapatay ng tagapaghiganti ng dugo bago pa siya litisin sa harap ng kapulungan.+
-