Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 35:4-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 At sinabi ni Moises sa buong bayan ng Israel: “Ito ang iniutos ni Jehova, 5 ‘Lumikom kayo ng abuloy para kay Jehova mula sa inyong sarili.+ Mag-abuloy kay Jehova ang bawat isa na gustong magbigay nang bukal sa puso:+ ginto, pilak, tanso, 6 asul na sinulid, purpurang lana, matingkad-na-pulang sinulid, magandang klase ng lino, balahibo ng kambing,+ 7 balat ng lalaking tupa na tinina sa pula, balat ng poka,* kahoy ng akasya, 8 langis para sa ilawan, balsamong gagamitin sa langis para sa pag-aatas at sa mabangong insenso,+ 9 batong onix, at iba pang bato na ilalagay sa epod*+ at pektoral.*+

  • 1 Cronica 29:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Nagsaya ang bayan sa pagbibigay nila ng ganitong kusang-loob na mga handog, dahil ibinigay nila ang mga ito kay Jehova nang buong puso,+ at nagsaya rin si Haring David.

  • 2 Corinto 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Magbigay ang bawat isa nang mula sa puso,* hindi mabigat sa loob* o napipilitan,+ dahil mahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share