-
Bilang 4:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
14 Ilalagay nila sa ibabaw nito ang lahat ng kagamitan nito na ginagamit kapag naglilingkod sila sa altar: ang mga lalagyan ng baga,* mga tinidor, mga pala, at mga mangkok, lahat ng kagamitan ng altar;+ at lalagyan nila ito ng pantakip na yari sa balat ng poka at ilalagay ang mga pingga na pambuhat nito.+
15 “Kapag aalis ang kampo, dapat matapos ni Aaron at ng mga anak niya ang paglalagay ng pantakip sa banal na lugar+ at sa lahat ng kagamitan nito. At papasok ang mga anak ni Kohat para buhatin ang mga iyon,+ pero hindi nila puwedeng hipuin ang banal na lugar dahil mamamatay sila.+ Ito ang mga pananagutan* ng mga anak ni Kohat may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong.
-