-
Exodo 37:25-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Ginawa niya ang altar ng insenso+ gamit ang kahoy ng akasya. Iyon ay parisukat, isang siko ang haba, isang siko ang lapad, at dalawang siko ang taas. Ang mga sungay at ang altar ay walang dugtong.+ 26 Binalutan niya iyon ng purong ginto: ang pinakaibabaw, ang lahat ng panig, at ang mga sungay nito; at pinalibutan niya ng gintong dekorasyon ang itaas na bahagi nito. 27 Gumawa siya para dito ng dalawang gintong argolya sa ibaba ng gintong dekorasyon nito sa magkabilang panig, na pagsusuotan ng mga pingga na pambuhat sa altar. 28 Pagkatapos, gumawa siya ng mga pingga na yari sa kahoy ng akasya at binalutan ng ginto ang mga iyon.
-