-
2 Cronica 26:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 Hinarap nila si Haring Uzias at sinabi sa kaniya: “Uzias, hindi ikaw ang dapat magsunog ng insenso para kay Jehova!+ Mga saserdote lang ang dapat magsunog ng insenso, dahil sila ang mga inapo ni Aaron,+ ang mga pinabanal. Lumabas ka sa santuwaryo dahil hindi ka naging tapat, at hindi ka tatanggap ng kaluwalhatian mula sa Diyos na Jehova sa ginawa mo.”
-
-
Ezekiel 8:11, 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At 70 mula sa matatandang lalaki ng sambahayan ng Israel ang nakatayo sa harap ng mga iyon, at kasama nila si Jaazanias na anak ni Sapan.+ Hawak ng bawat isa ang kani-kaniyang insensaryo, at pumapailanlang ang mabangong usok ng insenso.+ 12 Sinabi niya: “Anak ng tao, nakikita mo ba ang ginagawa sa dilim ng matatandang lalaki ng sambahayan ng Israel, ng bawat isa sa kanila sa pinakaloob na mga silid kung saan naroon ang kani-kaniyang idolo? Sinasabi nila, ‘Hindi tayo nakikita ni Jehova. Iniwan na ni Jehova ang lupain.’”+
-