-
Levitico 16:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 “Dapat siyang kumuha mula sa bayan ng Israel+ ng dalawang batang kambing na lalaki bilang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang handog na sinusunog.
6 “At ihaharap ni Aaron ang toro na handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili, at magbabayad-sala siya para sa kaniyang sarili+ at sa kaniyang sambahayan.
-
-
Levitico 16:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “At lalabas siya papunta sa altar,+ na nasa harap ni Jehova, at magbabayad-sala siya para doon, at kukuha siya ng dugo ng toro at dugo ng kambing at ipapahid iyon sa lahat ng sungay ng altar. 19 Isasawsaw niya ang daliri niya sa dugo at patutuluin iyon nang pitong ulit sa ibabaw nito at lilinisin ito at pababanalin mula sa mga karumihang ginawa ng mga Israelita.
-